Showbiz News

Celebrities at aspiring artists, bumida sa ‘Marian’ dance floor


BY SAMANTHA PORTILLO
 
Isa na namang masayang party sa dance floor ang naganap noong Sabado sa 'Marian.'
 
Umariba ang ilang celebrity pairs sa Showdance, nagkita ang Primetime Queen at ang Miss World Philippines 2014, at nagpakitang gilas ang ilang 'Bet ng Bayan' contestants.
 
Sinumulan ng Primetime Queen ang dance party sa kanyang opening number kung saan sumayaw siya sa tugtog na “Hot N Cold” ni Katy Perry. Blooming si Marian sa kanyang purple off-shoulder top at denim shorts.
 
Pagkatapos nito ay nakipagbonding siya sa dating Dabarkads na si Valerie Weigmann. Kakapanalo pa lamang ni Valerie sa Miss World Philippines 2014. Ibinahagi niya sa Primetime Queen na handa na siyang manalo para sa ating bansa. Sinabi rin niya na ang kanyang mga kaibigan mula sa Musikaramay Foundation ang nagtulak sa kanya para sumali sa pageant. Kasama sa advocacy ng grupo ay ang pagkanta upang makapagbigay ng pondo sa indigenous communities sa Tarlac.
Ibinahagi naman ni Marian ang kanyang Bridal Diary, kung saan ipinakita ang ilang eksena mula sa kanyang ikatlong bridal shower na ginanap sa isang nail spa sa Bonifacio Global City.
 
Dumalo ang mga Kapuso stars na sina Andrea Torres, Katrina Halili, Bettina Carlos, Sarah Lahbati, LJ Reyes, Rita Avila, Sheena Halili, Diva Montelaba, Krystal Reyes, Louise de los Reyes, Glaiza de Castro, at Luane Dy. Dumating rin ang ibang stars mula sa iba’t ibang networks katulad nina Ai-Ai de las Alas, John “Sweet” Lapus, Angelica Panganiban, at Diana Zubiri. Siyempre, nandoon ang bff ni Marian na si Roxee B.


Para sa Showdance segment, nagtagisan ng galling ang tandem nina Carmi Martin at Pekto at nina Arny Ross at Betong. Parehong mahusay sa ballroom dancing ang celebrity pairs kaya sa unang pagkakataon, napagdesisyunan ng celebrity judge na si Lucy Torres-Gomez na magkaroon ng tie.
 
Hindi naman nagpatalo si Julie Anne San Jose. Fierce na fierce ang Kapuso Pop Superstar sa kanyang all-black leather outfit nang magperform. Kasama niya ang ilang 'Bet ng Bayan' contestants. Naka-duet niya sa kantahan si Veronica Atienza, habang sumayaw naman ang Unit Dance Club.
 
Hindi natatapos ang bawat episode kung walang Dance Step of the Week. Para sa episode noong Sabado, itinuro ni Marian ang “Love Come Down” step. Madali itong nasundan ng lahat ng guests at sabay-sabay silang nagsayaw kasama ang Primetime Queen, si Julie Anne at ang co-host ni Marian na si Christian Bautista.
 
Ano kaya ang mangyayari sa biggest primetime dance party next week? Makisaya sa 'Marian'!