GMA Logo David Licauco, Samahan ng mga Makasalanan cast
What's Hot

David Licauco at cast ng 'Samahan ng mga Makasalanan,' bibisita sa mga sinehan sa April 12

By Maine Aquino
Published April 11, 2025 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco, Samahan ng mga Makasalanan cast


Abangan si David Licauco at ang cast ng 'Samahan ng mga Makasalanan' sa mga sinehan sa April 12.

Bibisita ang Pambansang Ginoo o Reverend Sam ng Samahan ng mga Makasalanan na si David Licauco sa iba't ibang mga sinehan sa April 12.

Ayon sa GMA Pictures, maaaring maka-bonding ng mga fans si David at iba pang cast ng Samahan ng mga Kasalanan ngayong Sabado. Makakasama ni David sa cinema visits sina Chariz Solomon, David Shouder, Buboy Villar, Tito Abdul, Tito Marsy, at Jade Tecson.

Saad sa post ng GMA Pictures, "HABANG MAY BUHAY, MAY... PAGSILAY KAY REVEREND SAM! Si David Licauco, bibisita bukas, April 12, sa SM North Edsa (1:30 PM), SM Mega Mall (2:30 PM), at SM Mall of Asia (4:00 PM) kasama ang iba pang cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan'! Huwag kang magpapahuli! Kita-kits!"

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)


Samahan na ang mga makasalanan sa kanilang pagbisita sa SM North Edsa, SM Mega Mall, at SM Mall of Asia ngayong Sabado, April 12.

Huwag din palampasin ang kuwento ng Samahan ng mga Makasalanan sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique. Abangan ito sa darating na April 19 in cinemas nationwide.

SAMANTALA BALIKAN ANG MAKASALANANG PREMIERE NIGHT NG 'SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN'