Showbiz News

Mikael Daez, mentor si Paolo Contis?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Regular na mapapanood si Kapuso actor Mikael Daez sa tatlong shows ng GMA na Bubble Gang, Ismol Family at ngayon sa Afternoon Prime soap Ang Lihim ni Annasandra.
 
“I'm happy na paiba-iba 'yung mga nangyayari. Comedy, sitcom, gag show, hosting, and then ngayon drama ulit. Na-miss ko rin naman na nagda-drama,” pahayag ni Mikael.
 
Dahil sabay-sabay ang project ni Mikael, halos araw-araw ang kanyang tapings. Kuwento niya, “Hindi naman (ako nahihirapang mag-shift from comedy to drama) kasi hindi naman namin ginagawa in one day eh. It's always a separate day so pagkatapos mong matulog, you have time to prepare naman.”
 
Kung papipiliin between comedy and drama, ayaw raw pumili ni Mikael. “Kaya naman 'yung dalawa eh. Ang dami ng actors na nakakagawa noon. Si Paolo Contis nga 'di ba kasama ko lagi sa Bubble Gang and ang nagagawa niya 'yung drama and comedy,” anang Ang Lihim ni Annasandra star.
 
Dagdag pa niya, “And since siya 'yung nakakausap ko lagi, I ask him about it. May sine-share naman siyang experiences and then I learn from it.”
 
Hindi raw direktang nagbibigay ng tips si Paolo ayon kay Mikael. “Maalaga 'yang si Pao eh. He's a good friend and 'yung pagkuwento lang niya ng experiences niya, alam niya na matututo ka na roon eh,” aniya.
 
Dahil advantage na ni Mikael na mayroon siyang kaibigan tulad ni Paolo, hindi raw niya sinasayang ang pagkakataong matuto sa veteran actor. Aniya, “Depende na lang sa nakikinig kung hahanapin niya kung ano 'yung matututunan niya sa mga kuwento ng mas mayroong experience, mas beterano at mas magagaling.”
 
“Nakikinig talaga ako kay Pao. Marami siyang nakukuwento na may mapupulot ako,” pagtatapos ni Mikael.