Showbiz News

Balikan ang Halloween costumes ng mga Kapuso last year

By CHERRY SUN

Isa sa mga pinakaaabangan tuwing Undas ay ang mga costumes tuwing Halloween party.

At ang ilan sa ating mga Kapuso ay hindi nagpahuli pagdating sa mga nakakatakot at mapang-akit na bihis.

Ano-ano kaya ang mga costumes ng ating mga Kapuso celebrities last year?

Nangunguna riyan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. The Dictator ang character ng Primetime King habang si Jessica Rabbit naman ang Primetime Queen.



Noong nakaraang Halloween ay nagsuot naman ng kapa at pangil si Bitoy. Biro niya, “Excuse me.. meron ka “bampira?” Pautang naman o…”



Si Solenn Heussaff ay abala sa paggawa ng prosthetic make-up para sa nakakatakot na character niya at ni Georgina Wilson.



Ilang celebrities din ang pumili ng cartoon characters para sa kanilang costume.

Nag-a la female Wolverine si Dabarkads Isabelle Daza. Ang mask at claws ay gawa pa raw ng kanyang pamangkin.



Sa suot na green dress at red hair, si hot momama Sarah Lahbati ay naging si Poison Ivy.



At Snow White naman ang napili ni Kylie Padilla.





Ano naman kaya ang mga paandar na costumes nila this year? Abangan 'yan dito sa GMANetwork.com.