advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Behind-the-scenes sa first episode ng 'Ilaban Natin 'Yan'

1 of 10

Ate ng Bayan

Simula ngayong Sabado, Pebrero 22, ang Ate ng Bayan na si Vicky Morales, diringgin ang mga problemang idudulog sa kanilang modern jeep na tatawaging Palaban Express.

2 of 10

Ang Paghaharap

Paghaharapin ng Ate ng Bayan na si Vicky Morales ang nagrereklamo at ang inirereklamo para mapakinggan ang lahat ng panig.

3 of 10

Cai Cortez, ang guest Kalkalera

May iba't-ibang celebrities rin na magiging co-host si Vicky at tatawaging silang Kalkalera. Ang unang guest Kalkalera sa pilot episode ay si Cai Cortez.

advertisement
4 of 10

Mag-iimbestiga

Ang guest Kalkalera ang pupunta sa mga inirereklamo.

5 of 10

Panig ng inirereklamo

Aalamin ng Kalkalera kung ano ang paliwanag o punto de vista ng inirereklamo.

6 of 10

Mga kargador

Laging nakabantay sina Cardo at Gardo para maiwasan ang anumang pisikalang maaaring maganap sa mga komprontasyon.

advertisement
7 of 10

Pagsasadula

May pagsasadula para sa bawat tampok na kuwento sa 'Ilaban Natin 'Yan.' At para sa pilot episode, ang mga Kapuso actors na sina Thea Tolentino, Anjo Damiles, Faye Lorenzo, Kevin Sagra, at Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose ang magsasadula ng tampok na istorya.

8 of 10

Palaban sa aktingan

Sa behind-the-scenes photos, kitang-kitang in character si Kapuso actress Thea Tolentino.

9 of 10

Manugang vs. Biyenan

Isa ito sa mga emosyonal na eksena nina Thea Tolentino at Jaclyn Jose.

advertisement
10 of 10

People behind the camera

Ang staff and crew ng 'Ilaban Natin 'Yan' ay pinangungunahan nina Direk Monti Parungao, Program Manager Mychal Feraren, at Executive Producer Robert Oriondo.