What's Hot

Sanya Lopez, nang-block ng kapwa artista sa social media?

By Marah Ruiz
Published April 18, 2025 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 11, 2025
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Nang-block na ba ng kapwa artista sa social media si Sanya Lopez?

Inamin ni Kapuso actress Sanya Lopez ang ilan sa kanyang mga "kasalanan" sa isang online exclusive video para sa kanyang upcoming movie na Samahan ng mga Makasalanan.

Isa daw sa mga nagawa niyang kasalanan ay ang magsinungaling sa interviews niya.

"Oo. Well, there are times na kailangan. It's a white lie," pahayag ni Sanya.

Itinanggi naman niyang nagkaroon siya ng "special someone" na hindi niya isinapubliko.

"Ay hindi, wala," agad na sagot ng aktres.

"Pero hindi niyo alam kung sino 'yung mga nanligaw," dagdag niya.

Inamin din niyang nate-tempt din siyang mag-block ng kapwa niya artista sa social media.

"Kapag attitude sa akin 'yung tao, mute lang. Kasi pag block, alam na niya eh," paliwanag ni Sanya.

Ang "mute" option sa social media ay bahagyang iba sa "block." Kapag naka-mute ang isang account, hindi mo na makikita ang posts mula dito pero maaari pa rin mag-interact ang inyong accounts. Kapag block naman, talagang hindi na maaaring makipag-interact sa iyo ang account na ito.

Hindi naman binaggit ni Sanya kung sino ang mga artistang naka-mute sa kanya.

Samahan ng mga Makasalanan

Sa Samahan ng mga Makasalanan, gaganap si Sanya bilang Mila, ang tinaguriang "tukso ng bayan" ng Sto. Cristo.

Puno ang bayan ng Sto. Cristo ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa, kaya naman nang ma-destino dito ang isang baguhang pari, susubukan niyang baguhin ang mga residente dito.

Bibida sa Samahan ng mga Makasalanan si Pambansang Ginoo David Licauco kasama si Sanya, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba.

NARITO ANG PASILIP SA MGA DAPAT ABANGAN SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:

Mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan simula Black Saturday, April 19, sa mga sinehan nationwide.