GMA Logo Nora Aunor, public viewing at Heritage Park in Taguig
What's Hot

Public viewing para kay Nora Aunor, matiyagang pinilahan ng fans

By Aimee Anoc
Published April 19, 2025 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor, public viewing at Heritage Park in Taguig


Bukas sa publiko ang labi ni Nora Aunor sa Heritage Park sa Taguig ngayong Sabado at Linggo mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Maraming fans ang nagpunta sa Heritage Park sa Taguig para masilayan ang yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor sa unang araw ng public viewing nito ngayong Sabado, April 19.

Sa report ni Bernadette Reyes ng GMA Intergrated News, bago pa man magsimula ang public viewing ng 10:00 ng umaga ay matiyaga nang pumila at naghintay ang mga tagahanga ng Superstar sa kabila ng matinding init ng araw.

May ilang fans din ang nagboluntaryong ayusin ang crowd kung saan para maging organisado ay papasok ang mga ito sa viewing area nang naka-grupo sa sampung tao.

Bukas sa publiko ang labi ni Nora Aunor ngayong Sabado at Linggo mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Pumanaw si Nora Aunor noong Miyerkules, April 16, sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.

Nakatakda itong ilibing sa Martes, April 22, sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING KARERA SA SHOWBIZ NG SUPERSTAR NA SI NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO: