Showbiz News

Ryan Eigenmann, lapitin ng mga Kastilang multo?

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Halos dalawang taon ding umere sa telebisyon ang Misteryo at naging host ng reality horror show na ito ang ngayo’y The Half Sisters star na si Ryan Eigenmann.
 
Dahil linggo-linggo ay sumasabak si Ryan noon sa paranormal activities kasama ang mga eksperto, nagpaunlak siyang magpa-interview kay Tunay na Buhay host Rhea Santos tungkol sa kanyang mga nakakakilabot na karanasan sa reality show.
 
Ikinuwento ni Ryan kay Rhea ang pinakanakakatakot na paranormal experience niya. Nangunguna raw sa kanyang listahan ang pagpasok nila sa Manila City Hall.
 
Ayon kay Ryan, habang ginagawa ang shoot ay nakaramdam na siya ng kakaibang feeling sa lugar. Tila mayroon daw dumikit sa kanya kaya’t tinanong na niya agad ang mga expert na kasama niya kung may nakita silang elemento.
 
“[The] Pyschic [asked me], you felt that? I was like fine. Tell me what you saw na,” pahayag ni Ryan.
 
Agad naman daw sinabi ng mga psychic ang kanilang nakita. Bahagi ni Ryan, “They saw na there was this like Spanish-looking lady wearing old period clothes [who] hugged me from behind asking for help because she didn't know why she was still there. I think she knew she was dead pero hindi niya alam bakit hindi siya maka-move on.”
 
Dagdag pa ng The Half Sisters star, “She [multo] felt an attraction to me because I look Spanish. I guess lapitin ako ng mga Kastilang multo kaysa mga Filipino elementals kasi medyo mukha nga akong Kastila.”