Showbiz News

Glaiza de Castro to release an indie album soon

By MICHELLE CALIGAN

 
Bukod sa pagbabalik sa Vampire ang Daddy Ko at Sunday All Stars, nakatutok ngayon si Glaiza de Castro sa kanyang upcoming album.
 
"Naka-focus ako ngayon sa pagpo-promote ng album na matagal ko na ring wini-wish na ma-launch," kuwento ni Glaiza sa nakaraang Kapuso Rockeoke Music Blogger Event. The album, which will be released independently, contains eight original tracks that Glaiza and some of her friends composed.
 
Pagpatuloy pa niya, "Nandoon pa kami sa processing ng promotion, ng printing. Since we're doing it independently, medyo matagal ang proseso talaga. Pero hindi naman ako nagmamadali kasi sabi ko nga, gusto kong maging sure sa lahat since this took years din to make. Sabi ko, okay lang na medyo matagal siya, at least sure ako doon sa outcome."
 
What can music fans expect from her album?
 
"Generally tungkol siya sa love, sa struggles sa life. Kumbaga parang personal struggles, finding your passion, pursuing your dreams. 'Yung typical na pinagdadaanan ng nasa age ko siguro. Though hindi ako masyadong sure kung anong genre siya kasi parang ayoko rin siyang ikulong sa kunwari rock o alternative. Kasi para sa akin, fusion siya ng lahat ng influences ko kasi I listen to a lot of music, eclectic siya."
 
Ibinahagi rin ng singer-actress kung paano niya binuo ang album, na sinimulan niya four to five years ago.
 
"Sinimulan ko siya mga four or five years ago, sa laptop lang. Noong time kasi na 'yun, nasa Bulacan ako, wala akong ibang napupuntahan, 'yung friends ko nasa Quezon City so hindi ko sila ma-invite sa bahay dahil malayo. Ang pinaka-outlet ko na lang is paggawa ng songs."
 
She revealed that she was inspired by the '80s band The Sundays in creating the melodies, and also gives credit to her musician friends.
 
"May mga nakilala akong musicians na tumutulong sa akin sa pag-areglo ng music, kung paano ang technical side, proper way of recording. Along the way, nadadagdagan ang influences ko kasi ang mga pinapakinggan nila, pinapakinggan ko na rin. Interested talaga ako sa collaboration with other people kasi doon ako natututo."