Showbiz News

New GMA afternoon lineup starting November 3

By AL KENDRICK NOGUERA

GRAPHICS BY ANNCEE SANTOS, GMANetwork.com

Mga Kapuso, ihanda ang inyong mga sarili sa bagong line up ng GMA tuwing hapon! Pagkatapos ng undas, sinigurado naming masisiyahan kayo sa mga programang mapapanood ninyo starting November 3!

Alamin kung ano ang dapat abangan sa inyong mga paboritong shows at kung ano ang bago nating mapapanood simula Lunes.

The Half Sisters: 2:30 p.m.

Mag-isa na lang ngayon si Diana dahil wala pa siyang balita kina Benjie at Rina. Ngayong wala siyang kakampi, maipagtanggol niya kaya ang sarili laban kina Ashley at Alfred?

Yagit: 3:15 p.m.

Pilit pinagkukrus ng landas ang tunay na mag-amang sina Eliza at Victor. Hanggang kailan ba itatago ni Dolores sa anak ang katotohanan?

Ang Lihim ni Annasandra: 4:00 p.m.

Pilit iginigiit ng mga magulang ni Annasandra na hindi siya puwedeng umibig dahil isa siyang awok. Kailan kaya siya makakalaya sa sumpa?

Alisto / Tunay na Buhay / Power House / Reporter’s Notebook / Love Hotline: 4:40 p.m.

Alamin ang mga kuwentong hatid nina Arnold Clavio, Rhea Santos, Kara David, Jiggy Manicad, Maki Pulido at Jean Garcia. Ano-anong aral kaya ang mapupulot sa kanilang mga istorya?

May Queen: 5:05 p.m.

Ngayong nakipaghiwalay na si Charlie kay Delmar, pagkakataon na ba ni Sam na pumasok sa kanyang puso?

Coffee Prince: 5:50 p.m.

Muli na naman kayong pakikiligin nina Andie at Arthur sa nagbabalik na Coffee Prince! Magiging madali kaya para kay Andie ang magpanggap na isang lalaki?