GMA Logo Boss Toyo, Loves Joy, Unang Hirit
What's Hot

Private resort ni Boss Toyo, ipinasilip sa mga Kapuso

By EJ Chua
Published April 25, 2025 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma crosses Eastern Samar
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Boss Toyo, Loves Joy, Unang Hirit


Tampok ang Casa Geng Geng ni Boss Toyo sa Summer Collab ng 'Unang Hirit.'

Bida ang binansagang Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo sa kauna-unahang episode ng Summer Collab sa GMA morning show na Unang Hirit.

Related gallery: Showbiz-related items na nakolekta ni Boss Toyo

Masayang isinama ni Boss Toyo ang Unang Hirit hosts na sina Lyn Ching at Chef JR Royol sa Sta. Maria, Bulacan nitong Biyernes, April 25.

Dito ay ipinasilip ng vlogger-entrepreneur sa UH Barkada ang kaniyang bago at unique na private resort na kilala sa tawag na Casa Geng Geng.

Ilan sa makikita sa loob nito ay ang overlapping 5 feet swimming pool na para sa adults at isang pool na para naman sa mga bata.

Ayon kay Boss Toyo, swak na swak ngayong summer ang ipinadisenyo niyang overlapping pool para sa pagsu-swimming ng indoor at outdoor.

Mayroon din ditong mini videoke, basketball court, at pool table na pwedeng gamitin ng mga maga-outing kung sila ay mahilig sa billiards.

Bukod sa mga ito, may tatlong rooms din sa loob ng Casa Geng Geng na perfect sa pagtulog at pag re-relax ng guests.

Sa ilang parte ng live na pagpapasilip ng resort, mapapanood na masayang nakipagkwentuhan at nakipagkulitan si Boss Toyo kina Lyn at Chef JR.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 7.8 million followers si Boss Toyo sa Facebook.