Showbiz News

Chemistry + Fun= Success

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork

Mabibilang lang sa daliri ang mga shows na tumagal sa himpapawid at nagawang makasabay sa nagbabagong panahon.

Nandiyan ang noontime show na Eat Bulaga na mahigit tatlong dekada nang kasalo ng mga Pinoy sa tanghalian mula Lunes hanggang Sabado.

Umabot na rin sa isang dekada ang Sunday night news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho. Kaya tanong ng mga Kapuso natin, what makes a show last that long?

Para sa Bubble Shaker at Sunday All Stars mainstay na si Max Collins, ang naging sikreto ng Bubble Gang para tumagal at tangkilikin ng mga tao sa nakalipas na 19 na taon ay magandang samahan at siyempre ang masayang working environment.

Ani Max, “Siguro 'yung chemistry naming lahat and like everyone just has fun. It’s just a fun show kaya nag-e-enjoy din ‘yung mga nanonood kasi na-fe-feel nila ‘yung nararamdaman namin on set.”

Dagdag pa ng Kapuso star, malaki ang ginampanan ng Bubble Gang pioneer at veteran host na si Michael V for the show’s success. Aniya, humble at professional daw ang Kapuso comedian and she learns a lot just by observing him during their shoot.

“Amazing. Amazing grabe kasi napaka-humble niya, down to earth and like we learn from him and we learn from observing him as well na napakabait niya. Professional lahat sobra and he’s like a kuya to all of us and I’m just really thankful that I have the chance to work with him.”