GMA Logo david licauco and esnyr
Courtesy: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother
What's Hot

David Licauco, nag-alala kay Esnyr

By EJ Chua
Published May 6, 2025 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco and esnyr


Napa-react ang netizens sa ipinaabot na mensahe ni David Licauco kay Dustin Yu para kay Esnyr sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Isa sa topics ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition viewers ngayon sa social media ay ang houseguest na si David Licauco.

Sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, ipinapasilip ni Kuya sa Pinoy viewers at fans ang moments ng bagong houseguest kasama ang celebrity housemates.

Kabilang na rito ang naging eksena sa isang task, kung saan tampok ang Kapamilya housemate na si Esnyr na tila nakaramdam ng sobrang pagod.

Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Sa isang episode ng programa, kinumusta ni David si Esnyr sa Kapuso housemate na si Dustin Yu.

Seryosong ipinaabot ni Dustin sa Kapamilya housemate ang sinabi sa kaniya ng bagong houseguest.

Tanong ni Dustin kay Esnyr, “Kumusta ka? Kasi, nag-aalala sa 'yo si David [Licauco].”

“Okay naman ako, bakit?,” sagot ni Esnyr.

“Baka hindi ka raw okay. Sabi niya [David] kausapin kita, 'wag mo raw pilitin.”

“Hindi naman, keri pa naman. Magsasabi talaga ako kapag hindi ko na kaya… sobrang dalang ko nga mag-workout.”

Ang ilang netizens naman, kinilig at napasabi pa ng "Sana all" sa pangangamusta ni David kay Esnyr:

Samantala, ang Sparkle actor na si David ay kilala sa entertainment industry bilang Pambansang Ginoo at siya rin ay best friend ni Dustin Yu.

Ipinakilala siya bilang bagong houseguest sa Bahay Ni Kuya nito lamang Linggo, May 4.

Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.