Showbiz News

Mikael Daez doesn't mind girls making the first move

 
By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Dashing debonair Mikael Daez is every girl's dream guy. Bukod sa kanyang hot physique, intelligent din Ang Lihim ng Annasandra star. 
 
Sa panyam ng GMANetwork.com sa Kapuso hunk tinanong namin siya kung ano ang stand niya sa mga girls who do the first move.
 
Sagot ni Mikael, “Para sa akin I think it’s okay for girls to make the first move. Huwag lang 'yung alam mo ‘yung boys na panget ‘yung first move. Parang sleazy or nakakatakot or douchebag. 
 
“Ang weird, huwag naman ganun. ‘Yung babae [dapat] ‘yung suwabe lang rin. ‘Yung katumbas ng suwabe sa lalaki. So I don’t mind if they are sweet or upfront or I don’t mind the girls start the conversation. I think okay lang ‘yun. I actually think that’s nice. I think it’s very sexy.”
 
Marami rin ang mga Kapuso televiewers na natutuwa sa tambalan nila ni Andrea Torres at former Survivor Celebrity contestant Betong Sumaya sa segment na Antonietta ng Bubble Gang.
 
Lagi nga inaabangan ang mga guest stars nila Mikael dahil patok ang mga sampal na tinatamo ni Betong mula sa mga kontrabida tulad ni Gladys Reyes.
 
Kuwento ni Mikael na isa raw si Betong sa mga unang naging ka-close niya sa Bubble Gang. Nagkasundo nga ang dalawa noong nagsisimula pa lang sila sa comedy gag show.
 
“Good kasi when I got into Bubble Gang hindi ko kilala ‘yung mga tao masyado, so my first taping ‘yung mga naging ka-close ko talaga or ‘yung mga kinausap ko kasi komportable na ako was Sef and Betong.”
 
“Si Betong has been there from the beginning. We would talk, pinag-usapan namin magiging regular kaya tayo dito [sa Bubble Gang]. Ano ba ang mangyayari sa atin? Galingan kaya natin 'di ba? Betong has been there and natutuwa ako na may segment kami together na talagang patok na patok sa audience. And I’m very happy for Betong kasi siyempre siya si Antonietta. So I’m happy with it, ang daming puwedeng gawin doon sa sketch na ‘yun and ang dami talagang natutuwa,” aniya.