Showbiz News

Rey PJ Abellana compares Tom Rodriguez and Geoff Eigenmann

By MICHELLE CALIGAN
 
Nagkita sa unang pagkakataon sina Tom Rodriguez at Rey PJ Abellana, ang ama ng kanyang nililigawang si Carla, nang maglaro ang veteran actor sa Don't Lose The Money.
 
Ayon kay Tom, naging maganda naman daw ang kanilang first encounter kaya nang makausap ng entertainment press si Rey PJ sa press conference ng More Than Words, hindi nila pinalagpas itanong kung ano ang masasabi niya tungkol kay Tom.
 
"It seems that Tom is okay. Ang dating niya sa akin magaan. Kahit sa mga alanganing sitwasyon, may feeling tayo kung ang tao ay magaan o mabigat 'yung dating sa atin," kuwento ni Rey, na muling makakatambal ang kanyang '80s love team partner na si Leni Santos.
 
Ito rin ba ang naramdaman niya sa ex-boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann?
 
"Honestly, si Geoff kasi, more of the silent type. Mas mahirap silipin si Geoff dahil he's the quiet type. Tuwing sinasama siya ni Carla sa bahay kapag may okasyon, 'yun bang halos kung hindi mo siya kakausapin ay hindi siya magsasalita."
 
Dagdag pa niya, "I want situations na mas relaxed sana. 'Yung mas free flowing, kusang nagsasalita, na hindi kailangang tanungin. Hindi 'yung de susi."
 
Nang tanungin si Rey PJ kung kaya ba niyang ikumpara ang past and present ng anak, ito ang kanyang naging pahayag.
 
"I could comment on that question kung mas naka-jamming ko pa nang mahaba-haba 'yung tao, para mas comfortable ako, at masasabi kong medyo kilala ko na siya. Pero kapag medyo stranger sa akin ang tao, hindi ko pa masasabi ang point na 'yan."