Kilalanin sa gallery na ito ang mga alaga ng star builder at talent manager na si Boy Abunda sa kanyang talent management company na Asian Artists Agency.
Isa si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa isa sa most-bankable artists ng Asian Artists Agency.
Long-time friend at talent ni Tito Boy ang batikang aktres na si Dawn Zulueta.
Isa sa mga pinakamatatagal na alaga ng binansagang "King of Talk" ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.
Hindi lang magaling na host kung 'di in-demand endorser din ang Kapuso talent na si Drew Arellano.
Taong 2018, lumipat si Iya Villania sa talent management company na humahawak sa showbiz career ni Drew Arellano.
Bukod sa mag-asawang Drew at Iya, nasa pangangalaga rin ng Asian Artists Agency ang showbiz at modeling career ng kanilang panganay na si Primo.
Bukod sa pagiging TV host, isang manunulat at advocate din si Bianca Gonzalez. Isa rin siya sa mga naglunsad ng She Talks Asia, isang all-female media and retail organization.
Ang singer-actor na si Ariel Rivera ay binansagang "Kilabot ng mga Kolehiyala" noong '90s.
Si Tito Boy din ang manager ng asawa ni Ariel na si Gelli De Belen.
Always thankful ang Queen of Bossa Nova na si Sitti Navarro sa kanyang manager.
Nakilala si Christian Bables dahil sa kanyang pagganap sa award-winning movie na 'Die Beautiful' kung saan siya nanalo bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2016.
Lumipat sa poder ni Boy Abunda ang komedyanteng si Bayani Agbayani matapos pumanaw ang kanyang manager na si Cornelia Lee.
Umaani rin ng endorsement offers at guest appearances ang magkapatid na basketball players na sina Kiefer at Thirdy Ravena.