
Tuloy pa rin ang panonood ng mga Kapuso sa satirical comedy film na Samahan ng mga Makasalanan!
Kahit halos tatlong linggo na ito sa mga sinehan, patuloy pa ring tinatangkilik at sinusuportahan ng fans ang pelikula. Pinusuan ng marami ang solid na istorya, nakakatawang mga eksena, at mga makabuluhang aral na hatid nito.
Sa special screening noong Sabado, May 3, labis ang pasasalamat ni Sanya Lopez sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa pelikula.
"Mix 'yung emotion nila. Naging masaya sila, nagkaroon ng realizations. So iyon 'yung gusto namin syempre ma-receive na komento ng ibang tao after mapanood yung pelikula," pahayag ng aktres.
Spotted din sa screening ang kanyang kapatid at Kapuso hunk na si Jak Roberto. Labis ang kanyang pagiging proud sa tagumpay ng pelikula at todo ang kanyang suporta para kay Sanya.
"I heard good feedback sa pelikula nila at tsaka nakita ko 'yung teaser nila. Na-curious din ako," ani Jak.
Related gallery: Showbiz personalities na magkakapatid
Bukod kay Jak, present din sa block screening ng pelikula ang mga kaibigan at fans ni Sanya. Masayang-masaya ang lahat na makasama ang kanilang paboritong Kapuso actress at sabay-sabay na mapanood ang pelikula.
Ang Samahan Ng Mga Makasalanan ay idinerehe ni Benedict Mique at produksyon ng GMA Pictures.
Kasama ni Sanya Lopez ang magagaling na cast na sina David Licauco, Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singsong, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Domanais), Tito Marsy (Christian Kimp-Atip), Yian Gabriel, Liana Mae, at child star Euwenn Mikaell.
Mapapanood pa rin ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga sinehan nationwide!