Showbiz News

Sino-sino ang nagwagi sa Bacolod showdown ng 'Bet ng Bayan?'

By AEDRIANNE ACAR
 
Mainit na tinanggap ng mga kababayan natin sa City of Smiles ang 'Bet ng Bayan' as they hosted the Western Visayas regional showdown in People’s Hall.

Nagpatalbugan ang Bet sa Kantahan na sina Aya Antiporda at Alma Mae Sumagaysay, ang Bet sa Sayawan na Capa-DS at Real Family Dancers
at ang Bet sa Kakaibang Talento na First Beat Effect at Master of Pain.

Dumaan sila sa butas ng karayom mula auditions hanggang sa regional showdown kung saan kinilatis sila ng mga judges na sina Pop diva Kuh Ledesma, song writer/composer Louie Ocampo at veteran comedian Allan K.
 
Silipin ang mga comments ng mga judges sa tatlong nanalo last November 2 at alamin kung bakit sila ang naging bet sa puso ng mga hurado.
 
Bet sa Kantahan
 
 
Wagi si Alma Mae Sumagaysay mula Molo, Iloilo City. Naging inspiration ni Alma ang kanyang ama na namatay sa liver cancer noong 2007. Humanga ang mga judges sa mahusay niyang pagkanta ng Musika ng Buhay na mala-Aegis ang hagod.
 
Judge Louie: “Tama ‘yung ginawa mo today. Namili ka ng kanta na Aegis ‘yun. So, parang nag-invest ka sa ganung klaseng kanta para lumabas, para magamit mo ‘yung husky voice mo. Overall malinis.”
 
Bet sa Sayawan
 
 
Pinataob ng Capa-DS ang Real Family Dancers ng Iloilo City sa matindi nilang dance routine. Puring-puri rin sila ng former My Husband’s Lover star Kuh Ledesma, dahil sa confidence na ipinakita nila.
 
Judge Kuh: “I really enjoyed your dance. [Si Karen] pababa ka pa lang nung steps may attitude na. And kitang-kita ‘yung passion ninyo sa mukha niyo. I never in one moment did not see na ‘yung expression na kailangan sa mukha ninyo nandun na and the confidence, which is very important in any performance.” 
 
Bet sa Kakaibang Talento

 
Walang tatalo kay Master of Pain na dati na palang sumali sa contest na Book of Pinoy Records sa noontime show na Eat Bulaga.
 
Judge Allan K: “Kakaiba ka Kuya. Ikaw na talaga, very good!”
 
Huwag niyo kalimutan panoorin ang pinakamalawak na talent search sa bansa. Bet ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Ilustrado at Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.