Showbiz News

Carla Abellana, wala nang oras sa pamilya?

By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Isang very insightful na chikahan ang naganap nitong nakaraang Sabado sa Sarap Diva nang bumisita ang aktor na si Rey “PJ” Abellana. Dito, ibinahagi ni Rey kay Regine ang kanyang pagiging ama sa Kapuso star na si Carla Abellana.
 
Dahil matagal na sa industriya si Rey, tinanong ni Regine kung humihingi ba ng advice si Carla sa kanyang ama.
 
Kuwento ni Rey, “Honestly, very seldom. Of course nandiyan, at times, nagtatanong. But not most of the time.”
 
“[Si] Carla kasi, personally puno ng laman ang utak niyan. Knowing Carla, she could carry herself anytime, anywhere. Alerto naman 'yang bata in spite na mahiyain 'yan. At saka medyo quiet 'yan pero sa loob, malalim,” dagdag nito.
 
Dahil nga sa sunod-sunod na showbiz commitments ni Carla, hindi na umano sila masyadong nakakapag-bonding ng kanyang ama. Pahayag ni Rey, “‘Yun na nga nakakalungkot diyan eh. Ang kinalulungkot ko diyan, when Carla started being in show business, doon na nawalan ng oras sa isa't-isa. Unlike before you know, almost every week may time kami with each other. Nakakapagkita-kita kami, may mga bonding-bonding kami at least once a week.

"Before noong bago siya mag-show business, naging malungkot nung napasok niya na ang show business. Halos hindi na kami nagkikita halos wala na akong balita sa kanya. 'Yun lang ang nakakalungkot. But then, I'm happy and thankful sa flow ng career niya. I see it naman na successful ang naging takbo ng career niya,” ani Rey PJ.
 
Klinaro naman ng beteranong aktor na wala siyang pagtatampo sa kanyang anak, dahil tulad ni Carla, lumaki rin siya sa mundo ng showbiz.
 
“Dumaan din tayo kasi diyan. Understood lahat 'yun. Good thing in the business din tayo na to be able to understand these matters.”

Dahil galing rin siya sa parehong industriya, naiintindihan niya na oras ang kalaban sa ganitong klase ng trabaho.
 
Ani Rey PJ, “Mahirap pala kung non-showbiz 'yung involved na parang nagiging victim sila ng circumstances.”