
Viral ngayon ang isang lumang clip mula sa Kalokalike segment ng noontime variety show na It's Showtime.
Mapapanood dito ang isang lalaking contestant na tinaguriang "Taylor Lautner" ng Orion, Bataan. Bilang bahagi ng contest, um-acting siya bilang Jacob mula sa movie series na Twilight.
Makikitang kahit hirap siya sa pagbigkas ng ilang salita, very enthusiastic naman siya sa kanyang delivery.
Aliw na aliw naman ang netizens sa kanyang monologue kaya marami ang sumubok maglip-sync at mag-emote gamit ito.
Ang lalaki sa likod ng viral meme na ito ay si Cristopher Diwata na sumali sa Kalokalike ng It's Showtime noong pang 2013.
"Talagang nagulat na lang po ako noong may tag po sa akin na viral na po 'yung What hafen Vella," kuwento niya sa isang interview.
Ayon kay Cristopher, natutuwa siya na tuluyan nang naging meme ang kanyang mga linya dahil matagal niyang pinaghandaan ito.
"Okay lang po naman. Pinag-aralan ko po 'yun nang buong magdamag kahit po maiksi lang," paggunita niya.
Sumali din si Cristopher sa lookalike contest ng Copyface ng GTV show na Dapat Alam Mo! noong 2023.
Nag-compete siya dito muli bilang Taylor Lautner at inulit ang ilang linya ng kanyang viral na "What hafen Vella" monologue.
Photo courtesy of: GMA Public Affairs
Natutuwa daw siya na hanggang ngayon ay marami pa ring naaaliw sa kanyang video clips.
"Ginawa ko po kung ano po 'yung best ko para po matuwa po 'yung mga tao. Maraming marami pong salamat sa mga sumusuporta po sa akin," pahayag niya.
Panoorin ang buong panayam ni Oscar Oida kay Cristopher dito:
Balikan din ang pagsali niya sa Copyface ng Dapat Alam Mo! dito: