
Mapupuno ng sorpresa at kulitan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa pagbisita ng dalawang bigating showbiz personalities na sina Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio.
Kaabang-abang ang pakikipag-bonding nina Dingdong at Charo sa Kapuso at Kapamilya housemates na mapapanood sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Sa teaser na inilabas ng programa, ipinasilip ang palaro ng houseguests na ayon sa kanila ay susubok kung gaano kakilala ng bawat housemate ang kanilang loved ones.
Ang kanilang palaro ay tinawag nilang Only You Know, na ini-ugnay sa upcoming movie nina Dingdong at Charo na pinamagatang Only We Know.
Anu-ano kaya ang mangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya?
Samantala, bago ang pagpasok nina Dingdong at Charo, matatandaang nakasama ng housemates ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.