GMA Logo Cristopher Diwata
Photo by: Cristopher Diwata (Facebook), It's Showtime (YT)
What's Hot

Cristopher Diwata, grateful sa mga biyaya ng kanyang 'What hafen, Vella?' meme

By Kristine Kang
Published May 18, 2025 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Cristopher Diwata


Labis nagpapasalamat si Cristopher Diwata, ang lalaki sa likod ng 'What hafen, Vella?' trend.

Tila isang biyaya para kay Cristopher Diwata ang muling pag-trend ng kanyang iconic na “What hafen, Vella?” moment sa internet.

Mula sa kanyang nakakatawang pagganap bilang si Jacob Black ng Twilight sa segment na "Kalokalike" ng It's Showtime, muling umani ng reaksyon ang viral video na ito mula sa fans at netizens.

Hindi lamang ito naging trending content kundi naging inspirasyon pa ng isang social media challenge na patuloy na ikinatutuwa ng marami.

Sa panayam ng GMA News Online, ibinahagi ni Cristopher ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta ng fans. Sa kabila ng mga tanong kung sapat ba ang kanyang kita sa bagong kasikatan, diretsahan niya itong sinagot.

“'Yung sa mga concern, at alam ko sumusuporta kayo sa akin, salamat po. Pero sa bayad, dati nga sanay ako nang wala. Dati nga wala, ta's ngayon, meron. Kaya kahit maliit man 'yan, tatanggapin ko 'yan. Iga-grab ko 'yan kahit maliit. Sana sa mga nag-aalala sa akin, huwag niyong intindihin 'yun at mas maganda 'yung meron kaysa sa wala,” aniya.

Aminado rin si Cristopher na masaya siya sa mga oportunidad ngayon, kabilang na ang pagiging model para sa ilang social media ads at brand campaigns. Tapat niyang sinabi na kontento siya sa mga natatanggap niya at sa effort na ibinubuhos niya sa kanyang trabaho.

"Goods naman po talaga. Sapat para sa akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, sapat siya. Kung ano'ng kakayahan ko, 'yun 'yon.”

Bukod pa rito, pinasalamatan din niya ang fans na patuloy na nagbibigay ng donasyon sa bawat pa-shout out niya online.

“Ako, bilang pamilyado, tatanggapin ko po. Aminado po ako at wala po akong itatago at wala po akong kailangan pong itago dahil hindi po nakakahiya ang ginagawa ko. Pinagpapaguran ko po lahat ng nakukuha ko po ngayon sa akin,” pahayag niya.

Pagdating sa posibilidad ng pagsabak sa showbiz, handa na kaya si Cristopher?

Ang kanyang sagot, “Hangga't kaya, iga-grab ko. Kahit na lagariin ko 'yan nang tatlong beses, tumalon-talon ako, lalagariin ko 'yan.”

Isa raw sa mga pangarap niya ay makatrabaho ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pero nang tanungin kung nais ba niyang sumali muli sa bagong season ng "Kalokalike," mapagkumbaba ang kanyang tugon:

“Pagbibigyan ko naman po 'yung iba. Bibigyan ko ng chance 'yung iba naman na sa kanila naman na magkaroon din ng pangalan,” sabi niya.

Sa ngayon, ipinangako ni Cristopher na ipagpapatuloy niya ang kanyang shout-outs sa social media:

“Hindi ako magsasawa. Lahat kayo iisa-isahin ko kahit na sa kaliit-liitan. Kaya sana maghintay lang kayo. Magra-random ako lagi. Iisa-isahin ko po 'yun,” aniya.

Bukod sa “Kalokalike,” sumali rin si Christopher sa look-alike contest na "Copy face" ng GTV show na Dapat Alam Mo! noong 2023. Nag-compete siya muli bilang Taylor Lautner at inulit ang kanyang viral monologue.

Kumusta na kaya si Cristopher Diwata ngayon? Alamin sa gallery na ito.