GMA Logo Ashley Ortega Josh Ford AC Bonifacio Kira Balinger
Photo by: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother
What's Hot

Ashley Ortega, Josh Ford, AC Bonifacio, Kira Balinger, grateful sa boto ng fans sa 'PBB' Wildcard

By Kristine Kang
Published May 20, 2025 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega Josh Ford AC Bonifacio Kira Balinger


Labis ang pasasalamat ng ex-PBB housemates sa patuloy na suporta ng kanilang fans!

Opisyal nang inanunsyo ang mga nagwagi sa Big Wild Comeback ng hit television show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!

Ang Kapuso at Kapamilya housemates na sina Charlie Fleming at Ralph De Leon ay pinalad na makabalik sa loob ng Bahay ni Kuya.

Samantala, kahit hindi pinalad na makabalik, taos-puso pa rin ang pasasalamat ng ex-housemates Ashley Ortega, AC Bonifacio, Josh Ford, at Kira Balinger sa lahat ng bumoto at sumuporta sa kanila.

Sa isang TikTok video kung saan kasama ang kanyang fur baby, nag-post ang Kapuso Ice Princess na si Ashley ng kanyang pasasalamat.

"Spreading good vibes and love for everyone! Just wanna say thank you to everyone who voted and supported me. Bawi na lang po ako sa outside world!" sabi niya.

@ortegaash

Spreading good vibes and love for everyone! Just wanna say thank you to everyone who voted and supported me ❤️ bawi nalang po ako sa outside world! 😘

♬ sonido original - ・゚✧

Si AC naman ay masaya sa nakuha niyang boto, at tinuring itong patunay ng pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.

"(I) was already so SO grateful for the 4% ! Still in shock I even made it pass that. Thank you for still believing in me & fighting for me. 'Di pa po tapos 'yung laban dito! Maraming maraming salamat po! It means so much," sinulat niya.

Ang Survivor Lad ng United Kingdom na si Josh ay nangakong mas pagbubutihin pa ang kanyang karera sa labas ng PBB house.

Aniya, "I just want to say a big thank you to everyone that supported and voted for me to go back into the house. Your love and support means everything to me and I'm so grateful that you are all there for me. Mahal na mahal ko kayo!! I promise to keep on going :) "

Samantala, naniniwala si Kira na higit pa sa boto ang pagmamahal ng kanyang fans.

"I've felt every bit of your kindness, belief, and encouragement. I'm so deeply grateful for everything! This journey wouldn't mean anything without you! I love you all!" dagdag niya.

Sa ngayon, patuloy pa rin na nagbibigay-inspirasyon at saya ang ex-housemates sa kani-kanilang mga proyekto sa outside world.

Sina Charlie at Ralph naman ay agad na haharap sa panibagong task pagpasok pa lang muli sa Bahay ni Kuya.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring panoorin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Kilalanin sino ang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates, dito: