GMA Logo Shuvee Etrata and Ashley Ortega
What's Hot

Shuvee Etrata, naiyak nang muling marinig ang boses ni Ashley Ortega

By EJ Chua
Published May 22, 2025 1:53 PM PHT
Updated May 22, 2025 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata and Ashley Ortega


Miss na miss na ni Shuvee Etrata ang ex-PBB housemate at BFF niyang si Ashley Ortega.

May simple ngunit makabuluhang sorpresa si Kuya sa housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kamakailan lang.

Habang busy sa loob ng Bahay Ni Kuya, muling narinig ng Kapuso at Kapamilya housemates ang mga boses ng dati nilang mga kasama.

Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Ang Sparkle star na si Shuvee, hindi napigilan ang kaniyang emosyon at naiyak nang marinig muli ang boses ni Ashley Ortega na matagal na niyang best friend.

Ayon sa voice message ni Ashley, “To Shuvee Babe, I love you. Stay strong there."

Bago ito, nagpaabot din ng mensahe at kinumusta ni Ashley ang lahat ng celebrity housemates.

Pahayag niya, “Hi housemates, kumusta kayo diyan? I just want to say that I'm so proud of everyone dahil sobrang layo na ng PBB journey n'yo. Good luck sa big challenges diyan…”

Matatandaang minsan nang ikinuwento ni Shuvee sa housemates kung gaano ka-generous si Ashley sa kanya bilang isang kaibigan.

Samantala, si Ashley at ang Star Magic artist na si AC Bonifacio ang unang duo na na-evict sa sa Bahay Ni Kuya sa bago nitong season.

Abangan ang susunod na mga kaganapan at sorpresa ni Kuya sa Kapuso at Kapamilya housemates.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.