Showbiz News

World-class Filipino designers Monique Lhuillier and Ezra Santos to make Heart's wedding gown

By AEDRIANNE ACAR
 PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Dalawang kilalang Filipino designers abroad ang tatahi ng wedding gown ng Kapuso star na si Heart Evangelista.
 
Sa panayam ng 24 Oras, sinabi ng soon-to-be Mrs. Escudero na ang leading bridal couturier sa Amerika na si Monique Lhuillier at ang Dubai-based Filipino designer na si Ezra Santos ang gagawa ng kanyang bridal gown.
 
Ani Heart, hanga siya sa galing ng mga Filipino designers at isang malaking karangalan ang isuot ang kanilang mga disensyo sa kanyang kasal.
 
“Siyempre iba pa rin, nakakatuwa nakakamangha [na] makakuha ka ng isang Pilipino na kilala worldwide. Ang talented ng mga Pilipino so siyempre parang suot-suot mo ‘yung bandila 'di ba. So kaya importante sa akin na mag-Filipino designer.”
 
Nakilala si Ezra matapos kumalat sa social media ang mga kuha ng pop star na si Lady Gaga na suot ang kanyang mga likha. Ilan naman sa mga clients ni Monique ay ang Hollywood superstars na sina Kerry Washington at Kate Beckinsale.
 
Marami rin ang umuusisa kay Heart kung may plano ba siyang pumasok sa mundo ng pulitika tulad ng kanyang mapapangasawa na si Senator Chiz Escudero.
 
Tugon ni Heart, hindi na raw niya kailangan tumakbo sa kahit anumang posisyon dahil nakakatulong naman daw siya kahit wala siya sa gobyerno.
 
“Kung anumang mayroon ako ngayon, puwede akong tumulong. Hindi mo kailangan maging pulitiko.”