GMA Logo marian rivera
Photo source: marianrivera (IG)
What's Hot

Marian Rivera, habang buhay mamahalin ang pagsasayaw

By Karen Juliane Crucillo
Published May 28, 2025 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Marian Rivera: "Hindi mawawala sa daloy ng dugo ko ang pagsasayaw."

Hindi lang reyna sa telebisyon at social media si Marian Rivera, kundi pati na rin sa dance floor, dahil hanggang ngayon, walang kupas ang pagmamahal niya sa pagsasayaw.

Ibinahagi ng Stars on the Floor star sa GMA Integrated News nitong Martes, May 27, na bahagi na talaga ng buhay niya ang pagsasayaw.

"Well, ako naman, hindi mawawala sa daloy ng dugo ko ang pagsasayaw dahil number one love ko talaga yan ang dancing," sabi ni Marian.

Naitanong ni Nelson Canlas kung hindi ito artista ay magiging isang dancer ba ang Kapuso Primetime Queen. Ngunit, pabiro nitong sagot, "Hindi, teacher."

Dagdag nito, "Pero hindi mawawala ang dancing kasi sa family ni mama at papa mahilig kami sumayaw and yung asawa ko din magaling sumayaw."

Naikuwento rin ni Marian na namana na rin ito ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

"'Yan ang tinatawag na kota ang anak ko [Zia], lahat ginagawa niya, kumakanta, sumasayaw, nagpa-piano, lahat talaga ginagawa ng anak kong 'yun," kuwento ni Marian tungkol sa anak niyang si Zia.

Makakasama ni Marian sina Pokwang at Coach Jay sa upcoming dance competition na Stars on the Floor bilang parte ng dance authority.

Si Asia's Multimedia Star Alden Richards naman ang magsisilbing host ng dance competition.

Abangan ang ultimate "COLLABanan sa Sayawan" sa Stars on the Floor ngayong June sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang dance authority ng upcoming dance competition na Stars on the Floor: