GMA Logo Ruru Madrid Bianca Umali date before PBB
Courtesy: rurumadrid (IG)
Celebrity Life

Ruru Madrid took Bianca Umali on date before she entered Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published May 26, 2025 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid Bianca Umali date before PBB


May sweet moment si Ruru Madrid sa kaniyang girlfriend na si Bianca Umali bago maging houseguest ang huli sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Si Bianca Umali ang pinakabagong bisita sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Bago pumasok sa PBB house, tila hindi pinalampas ng kaniyang boyfriend na si Ruru Madrid ang kanilang quality time together.

Sa post ni Ruru Madrid sa Instagram, ilang photos ang kaniyang inupload, kung saan tampok ang afternoon date nila ni Bianca.

Isinama rin nila rito ang kanilang cute na cute na fur baby.

Sulat ng Lolong actor sa caption ng kaniyang post, “Date muna bago pumasok ng Bahay Ni Kuya si Isadora.”

Ayon pa kay Ruru, kahit kapapasok lang ni Bianca sa PBB house ay miss na kaagad niya ang kaniyang real-life partner na kaniya ring fellow Sparkle star.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Mapapanood si Bianca Umali ngayong 2025 sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan makikilala siya bilang si Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa.

Samantala, anu-ano kaya ang mararanasan ng Kapuso actress sa Bahay Ni Kuya habang kasama niya ang celebrity housemates?

Patuloy na subaybayan si Bianca bilang houseguest sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition