
Reunited sa isang vlog si Ivana Alawi at Pinoy Big Brother girls na sina Ashley Ortega, AC Bonifacio, Charlie Fleming, at Kira Balinger.
Sa naturang vlog, natunghayan ang revelation ni Ashley tungkol sa first impression niya kay Ivana na nakasama nila sa Bahay Ni Kuya noon bilang houseguest.
“Akala ko you're the type of person na namimili ka lang ng kakausapin mo at makakasama mo,” sabi ng Sparkle star kay Ivana.
Dagdag na biro pa niya, “Kasi, you're Ivana Alawi and I feel like you have the right to do that. Joke lang.”
Ayon pa kay Ashley, inakala niya noong una na intimidating ang Star Magic artist.
Sabi niya, “Parang intimidating ka [Ivana Alawi] kasi. Pero ngayon, hindi ka pala namimili ng tao. Sobrang understanding mo, sobrang laki ng pang-unawa mo sa lahat ng tao. You're very straightforward. Sobrang totoo mo lang.”
Ang naturang vlog na mayroon na ngayong mahigit 1.8 million views sa YouTube ay kinuhanan bago muling pumasok sa Bahay Ni Kuya si Charlie para sa big comeback.
Related gallery: Ivana Alawi, inilarawan ang PBB housemates
Samantala, patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang naturang programa, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.