Showbiz News

Ang bagong Sabado Star Power sa gabi!

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Mga Kapuso, hindi na kailangang abutin pa ng gabi sa labasan ngayong weekend dahil inihanda ng GMA ang bagong Sabado Star Power sa gabi! Manatili lamang na nakabukas ang inyong mga telebisyon dahil all-out entertainment ang hatid sa inyo ng Kapuso network!
 
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento (6:00 p.m.)
 
Anumang problema ay nasosolusyunan. ‘Yan ang paniniwala ng mga Manaloto na napapanatiling masaya ang pamilya kahit na anong pinagdaraanan nila.
 
Magpakailanman (7:00 p.m.)
 
Mga kuwento ng tunay na buhay ng tao ang hatid sa atin ng Magpakailanman. Tiyak na kapupulutan na naman ng aral ang istoryang hatid sa atin ni Mel Tiangco.
 
Marian (8:30 p.m.)
 
Ready na ba kayo sa pasabog sa dance floor ni Primetime Queen Marian Rivera? Bukod pa rito, may update si Marian tungkol sa nalalapit na DongYan wedding sa kanyang Bridal Diary.
 
Celebrity Bluff (9:30 p.m.)
 
Dahil dalawang taon na ang Celebrity Bluff, bigatin ang guests na maglalaban-laban ngayon buwan! Maraming kaalaman na naman ang ihahatid sa atin ng game show sa pagpapatuloy ng kanilang month-long anniversary celebration.
 
I-Witness (10:30 p.m.)
 
Sa kanilang ika-15th na anibersaryo, patuloy na magbabahagi ang most-awarded and longest-running documentary na I-Witness ng mga istoryang kailangan ninyong malaman.
 
Walang Tulugan (11:30 p.m.)
 
Siyempre, mawawala ba ang programang gumigising sa inyo? Tutok lang dahil ayon nga kay Kuya Germs, Walang Tulugan!