
Ilang housemates ang nami-miss na nina Vince Maristela at Xyriel Manabat sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Sa pagbisita nina Vince at Xyriel sa Unang Hirit studio, ibinahagi nila kung sino ang kanilang mga nami-miss na nakasama nila noon sa Bahay Ni Kuya.
Ayon kay Vince, “Sa housemates, miss ko si Shuvee [Etrata] at si Dustin [Yu].”
Si Xyriel naman, miss sina River Joseph at Will Ashley.
“I think sobrang obvious, mami-miss at nami-miss ko po talaga ay si Kuya River and of course sila Will. Sila 'yung mga solid na nakausap ko nung day of eviction and night before, and the whole week… Grabe po 'yung nabuo naming bond.”
Matatandaang naging emosyonal si Shuvee nang malaman niyang magkakalayo na sila ng kaibigan niyang si Vince matapos ang big announcement tungkol sa eviction night.
Sina Vince at Xyriel ang latest evictees sa Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.