Showbiz News

'StarStruck' stars now young parents

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sa Sarap Diva, bumisita kay Regine Velasquez ang tatlo sa StarStruck Batch 1 celebrities na proud parents sa kanilang mga babies. Dito, ibinalita nina Yasmien Kurdi, Katrina Halili, at Mark Herras ang ilang updates mula sa kanilang mga personal lives.
 
Si Yasmien, ay three years nang married sa kanyang asawa na si Rey Soldevilla. Bagamat three years na silang nagsasama, inamin ni Yasmien na sila ay nine years na umanong magkarelasyon. Sina Yasmien at Rey ay may isang anak na si Ayesha.
 
Kuwento ni Yasmien, wala pa raw siyang balak sundan si Ayesha. Aniya, "Mahirap mag-alaga e. 'Yung point lang na nagwo-work ka, tapos nagwo-work si hubby. Tapos parang hindi namin alam kung kanino iiwan. Minsan 'yung mga lola may mga kailangan ring gawin. 'Di naman puwede na forever yaya or what. Iisipin mo talaga lagi siyempre you have to stop sa work. Tapos alagaan mo anak mo, kapag lumaki laki na doon na lang may yaya. Nakakaawa kasi sa bata na iiwanan mo. So 'yun, one at a time."
 
Si Katrina naman ay may bagong look dahil sa kanyang short hair. Hindi niya umano ito sinasadya. 
 
"Akala ng mga tao sinasadya ko, nakita ko lang sa Jing Monis salon. [Tinanong nila] so you want change? So I said yes. Iniisip ko ano kayang gagawin niya, so 'yun cut niya. Naghanap na lang ako ng peg, sabi ko wala panindigan ko na lang 'to na-cut na e," natatawang pahayag ni Katrina.
 
Masaya umano ngayon si Katrina sa kanyang pagiging single mom dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mag-focus sa kanyang anak na si Katie. 
 
"Okay po kasi para mas ayusin ko sarili ko and marami akong time kay Katie. Siya na lang iniintindi ko 'di ba? Bata pa naman kami, mag-ipon muna kami," saad ni Katrina.
 
Binibiro naman ng nakararami na mahihirapan nang magka-girlfriend si Mark lalo na't dumating na si Ada sa kanyang buhay. Ngunit para kay Mark, mas masaya siya sa kanyang single status.
 
Pahayag ni Mark, "Okay lang naman. Siguro kasi mahirap lang talagang paniwalaan kapag ako ang nagsasabi. Na parang hindi ko kailangan ng girlfriend, hindi ko kailangan ng someone. Kasi dati parang every time na matatapos 'yung relationship ko, ilang months meron na agad."
 
"Ngayon parang wala, wala kang ganang maghanap. Kung sino man 'yung someone special in the future, [dapat tanggap si] Ada, hindi lang 'yung ako lang. Package deal na 'to," dagdag ni Mark.