
Sa unang pagkakataon, mapapanood si Xyriel Manabat sa isang drama anthology sa GMA
Simula lumabas siya sa Bahay Ni Kuya, sunod-sunod ang kanyang projects sa outside world, pati na rin ang kapwa niya Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition evictee na si Vince Maristela.
Kamakailan ay nag-taping si Xyriel para sa isang episode ng Wish Ko Lang!
Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinabi ng aktres na hindi siya makapaniwala na posible itong mangyari.
Aniya, "Sobra po n'yang surreal kasi 'di naman po namin, mga Kapamilya artist, na in-e-expect ever na pwede kami mag-cross over sa Wish Ko Lang! and hindi po biro ang Wish Ko Lang! sa larangan po ng industriya."
Samantala, ang Sparkle artist na si Vince Maristela ay abala naman sa Kapuso fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'