Showbiz News

Ano kaya ang long-lasting formula ng samahang 'Bubble Gang?'

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Time flies so fast.
 
Kaya laking gulat ng pretty Bubble Gang star Arny Ross na lumipas na ang isang taon mula nang naging officially part siya ng longest running gag show sa Pilipinas.
Para nga daw isang panaginip na kasama niya tuwing taping ang mga cream of the crop pagdating sa pagko-ko-comedy tulad ng Master Impersonator Michael V at bombshell comedienne na si Ruffa Mae Quinto.
 
“Hindi ko nga po naiisip na one year na pala. Kasi  from the audition [until] the challenges na binigay nila sa amin, sa pakikisabay sa mga veteran comedians like Kuya Bitoy, Ate Peachy parang ‘di ko naramdaman na isang taon na; parang hindi ako natagalan kasi lagi akong nag-e-enjoy sa taping,” saad ni Arny.
 
Kinuwento ng dalaga exklusibo sa GMANetwork.com na tuwing wala daw silang shooting ay nag-se-set sila ng bonding time. 
 
“Kunwari walang taping ng Monday, nag-se-set sila ng bonding pumunta sa bahay ni Kuya Bitoy or maglaro somewhere, magkaroon ng date with the girls or ‘yung mga boys naman nagba-ba-basketball sila ganun.”
 
Lubos ang pasasalamat ni Arny sa lahat ng suwerte na natanggap niya. Ano pa kaya ang mahihilig niya?
 
“Grabe sobrang sobrang saya na sobrang thankful, kasi nandito pa rin ako. Naka-isang taon ako sa 'Bubble Gang' at sana katulad ng show, magtagal din ako sa grupo.”