GMA Logo Vina Morales at Gladys Reyes
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Vina Morales at Gladys Reyes, masaya sa set ng 'Cruz vs. Cruz': 'We work as a family'

By Dianne Mariano
Published June 10, 2025 2:33 PM PHT
Updated July 16, 2025 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Vina Morales at Gladys Reyes


Ayon kina Vina Morales at Gladys Reyes, masaya at nagtutulungan ang lahat sa pagbuo ng kanilang bagong serye na 'Cruz vs. Cruz.'

Ipinasilip ng seasoned actress na si Gladys Reyes ang naganap na pictorial para sa upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz.

Masayang nakakuwentuhan ng aktres ang ilan sa kanyang co-stars gaya nina Kristoffer Martin, Neil Ryan Sese, Gary Estrada, at Vina Morales.

Sa pag-uusap nina Gladys at Vina, ibinahagi nila na ito ang unang pagkakataon na sila ay magkakatrabaho sa isang proyekto.

“It's an honor to be with you. It's been a while. First time natin to work together, but I always see her naman anywhere kasi, syempre 'di ba, kapag may mga project pero hindi talaga kami nagkakatrabaho. Ito talagang first time,” pagbabahagi ni Vina.

Ayon pa kay actress-singer, na-excite siya noong inalok sa kanya ang naturang proyekto.

Aniya, “When I was offered this one, I was very excited. Sabi ko nga, 'matutuloy na sana.' I prayed for this and it's happening now.”

Kwento pa nina Vina at Gladys, makaka-relate ang mga manonood sa kwento ng Cruz vs. Cruz at anila'y hindi lamang ito tungkol sa relasyon ng mag-asawa, kundi maging sa pamilya, pagkakaibigan, at pangarap.

Dagdag pa nila, naging madali ang kanilang mga eksena dahil sa pag-aalaga ng kanilang direktor na si Gil Tejada Jr. at iba pang production staff.

“Naalagaan naman talaga tayo ni Direk Gil. Na-explain sa atin kung paano gawin 'yung each scene na ginagawa. Kaya maski mahirap 'yung eksena, bilang aktres hindi tayo nahirapan. Nabigyan ng emosyon ang mga eksena,” ani Vina.

Dagdag ni Gladys, “'Yung help during the storycon pa lang, 'yung nag-meet pa lang tayo, ay napakalaking bagay talaga, parang na-warm-up kaagad tayo."

Patuloy pa nila, masaya at nagtutulungan ang lahat para mapaganda ang kanilang serye.

“Happy set nga 'di ba, 'yun 'yung pinakaimportante sa atin.

“At saka walang pa-diva sa atin. We all work together, we work as a family, and we work so well. Walang problema,” kwento ni Vina.

Panoorin ang buong vlog ni Gladys Reyes sa ibaba.


Abangan ang Cruz vs. Cruz, soon sa GMA.

BALIKAN ANG NAGANAP NA STOR CONFERENCE NG CRUZ VS. CRUZ SA GALLERY NA ITO.