
Ang child star na si Erin Espiritu ang isa sa mga katrabaho ngayon ni Andrea Torres para sa upcoming suspense drama na Akusada.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Erin, masaya niyang inilarawan si Andrea bilang kaniyang co-star. Ni-reveal niya rin na gaganap siya sa serye bilang anak ng karakter ni Andrea.
Ayon sa child actress, “My Naynay is Ms. Andrea Torres. She is pretty and kind. She is perfect as my mother.”
RELATED CONTENT: The many characters of Andrea Torres
Bukod dito, ibinahagi ni Erin na nag-e-enjoy siya sa set at maayos ang relasyon niya sa iba pa niyang mga katrabaho sa Akusada.
“It's really good. I'm having so much fun with my co-actors,” sabi niya.
Samantala, ilan sa mga aktor na mapapanood din sa Akusada ay sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Ronnie Liang, Ahron Villena, Marco Masa, Ashley Sarmiento, at iba pa.
Ongoing ang taping ng cast para sa bagong seryeng malapit nang ipalabas sa GMA Afternoon Prime.