
Isa sa mga masaya sa naging anunsyo ni Valeen Montenegro, na pinagbubuntis na niya ang first baby nila ng non-showbiz husband na si Riel Manuel, ay ang kaniyang BFF na si Chariz Solomon.
Patok online at na-feature sa mga meme sina Chariz at Valeen nang maging tandem sila sa sikat na Bubble Gang sketch na Balitang Ina.
Sa announcement ni Valeen sa Instagram, makikita sa short video clip ang naging reaksyon ni Chariz nang ipaalam ng kaibigan na siya ay buntis na.
RELATED CONTENT: Valeen Montenegro's intimate wedding with Riel Manuel
Ni-repost naman ng Kapuso comedienne ang larawan ni Valeen na ipinakita ang baby bump sa Instagram Story at may caption ito na, “cutie pie.”
Bukod sa pagiging regular cast member ng Bubble Gang, mapapanood na rin si Chariz as Madam Cha sa YouLOL Originals vodcast na Your Honor.
Dito makakasama ni Madam Cha si Vice Chair Buboy Villar na makikipagkulitan sa kanilang mga resource person every Saturday night.