
Si Shuvee Etrata ang isa sa latest evictees sa hit GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na patuloy na pinag-uusapan online.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Sa recent showbiz report ni Nelson Canlas, nagkuwento si Shuvee tungkol sa naging pag-uusap nila ng kanyang pamilya via video call kasunod ng paglabas niya sa Bahay Ni Kuya.
Sa naturang panayam, inilahad ng Sparkle star na humingi siya ng tawad sa kanyang pamilya dahil hindi niya umano natupad ang pangako niyang maging big winner sa Pinoy Big Brother.
“Nag-video call po kami kaagad. Nag-sorry ako,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, “Nung lumabas po ako, nasaktan lang po ako na hindi ko po nagawa 'yung promise ko sa kanila na maging big winner pero naging masaya naman po sila sa akin and naging proud naman daw po sila sa akin.”
Samantala, sa parehong panayam kay Nelson, inilahad ni Shuvee na excited na siya para sa kanyang role sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan makikilala siya bilang si Veshdita.
“I'm very excited. We've been working hard for this [Encantadia Chronicles: Sang'gre], two years, para po pagandahin ang show na ito para sa inyo, Encantadiks,” pahayag ni Shuvee.
Ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Shuvee ay patuloy na nakatatanggap ng papuri mula sa viewers at netizens dahil sa kanyang personality--ang pagiging natural at totoo sa loob at labas ng Bahay Ni Kuya, bagay na hinangaan ng marami sa kanya.
Siya ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.