Showbiz News

Music legends Rey Valera at Jim Paredes, bumisita sa 'Sarap Diva'

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Isang masayang umaga ang inihandog ng Pinoy music legends na sina Rey Valera at Jim Paredes nang makipag-jamming sila with the Asia's Songbird sa Sarap Diva.
 
Ang kanilang light conversation ay nagsimula sa isang nakakatuwang throwback kung saan ibinahagi nina Rey at Jim ang kanilang naging simula sa mundo ng musika.
 
"Basta ako ang alam ko idol ko 'to. Bata pa lang ako, naka-shorts pa ako, idol ko na 'to," biro ni Rey kay Jim.
 
Kuwento ni Jim, "Ang first album namin is a live album actually. Kasi dapat after college, farewell na kami. Mag-split na kami."
 
"We started as 12 [members], mula noong high school. May nag-abroad, nagpuntang Japan, nagpuntang US, mayroong mga nagpuntang ibang school. Natira kami ni Buboy tapos nakilala namin si Danny sa college. So si Danny gigitara gitara. Nagkaroon kami ng TV show," dagdag niya.
 
Si Rey naman ay nagsimula umano sa pagbabanda sa Japan. Aniya, "Pagkatapos [ng kanyang trabaho sa Japan] pag-uwi, nag-apply ako ng kanta sa Vicor, anim na buwan 'yun pabalik-balik ako. Ang pangalan ng kanta, 'Ako si Superman'."
 
Dito umano nagsunod-sunod ang kanyang proyekto hanggang sa makilala niya si Sharon Cuneta at saka nabuo ang 'Mr. DJ' at 'Kahit maputi na ang buhok ko.'
 
Sa dami ng kanilang mga nagawang awitin, may ilang paboritong kantang nagawa sina Rey at Jim.
 
"May limang nag-aagaw agaw na lang e. 'Panalangin', 'When I Met You', gusto ko rin 'yung 'Handog ng Pilipinas sa Mundo', Nakapagtataka', at saka 'Yakap sa Dilim'," kuwento ni Jim. 
 
Pahayag naman ni Rey, "Pinakamalaking kinita ko 'yung 'Pangako' dahil ginamit sa telenovela 'yan e. Paborito ko talaga 'yung 'Malayo pa ang Umaga.' Kasi hanggang ngayon sa Pilipinas, feeling ko ganoon pa rin e. Malayo pa rin tayo."