advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Kapuso stars na gumanap ng bida-kontrabida roles sa telebisyon

1 of 8

Kris Bernal, Impostora

Binigyan buhay ni Kris Bernal ang dual roles na Nimfa at Rosette sa 2017 remake ng 'Impostora.' Tampok sa istorya ang kuwento ni Nimfa, isang pangit na tindera sa kalye na kusang sumailalim sa operasyon upang magpanggap bilang ang mayaman at magandang si Rosette.

2 of 8

Andrea Torres, Sana Ay Ikaw na Nga

Sa 2012 remake ng 'Sana Ay Ikaw na Nga,' gumanap si Andrea Torres bilang si Cecilia. Dahil sa isang masamang balak ni Olga, na unang ginampanan ni Chynna Ortalez, nag-resulta ito sa pagkasira ng kanyang mukha. Para mapaibig sa kanya si Carlos Miguel, na ginampanan ni Mikael Daez, sumailalim siya sa plastic surgery at ginamit ang mukha ni Cecilia.

3 of 8

Andrea Torres, The Better Woman

Gumanap muli sa isang bida-kontrabida role si Andrea Torres sa 2019 serye na 'The Better Woman.' Dito, gumanap siya bilang ang twins na sina Jasmine at Juliet na napaghiwalay noong sanggol pa lamang sila. Nang magkita silang muli, malaki ang pagnanasa ni Juliet sa asawa ni Jasmine kaya naman pipilitin nitong magkaroon sila ng isang love affair.

advertisement
4 of 8

Sunshine Dizon, Impostora (2007)

Sa 2007 version ng 'Impostora,' gumanap ng dual at bida-kontrabida role si Sunshine Dizon. Binigyang buhay ni Sunshine ang kontrabida na si Vanessa at ang reconstructed face ni Sara na unang ginampanan ni Iza Calzado.

5 of 8

Jennylyn Mercado, Rhodora X

Noong 2014, ginampanan ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang dual role sa seryeng 'Rhodora X.' Umiikot ang kuwento kay Rhodora, isang babae na nakaranas ng pang-aabuso sa kanyang pamilya. Dahil sa karanasang ito, nagkaroon siya ng Dissociative Identity Disorder o split personality kung saan nagresulta ito sa paglabas ng kanyang alter ego na si Roxanne.

6 of 8

Heart Evangelista, Luna Mystika

Sa 2008 fantaserye na 'Luna Mystika,' gumanap si Kapuso actress Heart Evangelista bilang sina Luna, isang babae na may deformed face, at Celestina, ang kanyang anino. Sa tuwing ginagamit ni Celestina ang katawan ni Luna ay nagbabago ang anyo nito bilang isang magandang babae.

advertisement
7 of 8

Dennis Trillo, Super Twins

Noong 2007, gumanap si Kapuso hunk Dennis Trillo bilang ang bida-kontrabida na si Eliseo at Eliazar sa 'Super Twins.' Si Elizeo ang nagsilbing guro nina Super S at Super T, habang si Eliazar naman ang pangunahing kontrabida sa serye.

8 of 8

Tanya Garcia, Sana Ay Ikaw Na Nga (2001)

Binigyang buhay ni former actress Tanya Garcia ang dual roles na Cecilia at Olga sa 2001 Kapuso series na 'Sana Ay Ikaw Na Nga.' Sa version na ito, ginamit pa rin ang orihinal na boses ni Maricar de Mesa para magbigay buhay kay Olga kahit na nagpa-plastic surgery na ang karakter nito.