
Naging bukas si Kazel Kinouchi tungkol sa kanyang mga magulang nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda, kasama ang kanyang My Father's Wife co-star na si Kylie Padilla.
Ayon kay Kazel, hindi niya nakilala kailanman ang kanyang amang Japanese.
Sabi niya, "Kahit sa picture wala talaga akong idea how he looks like and I never asked kasi I did not want to put my mom in that situation."
Nang magkaroon siya ng interes na kilalanin ang kanyang ama, huli na ang lahat dahil pumanaw na ito.
Bagamat hindi nakilala ang ama, hindi naman daw pinaramdam ng kanyang lola na mula siya sa isang broken family.
Aniya, "Never ko na-feel 'yun kasi I grew up in a loving family so kasama ko sa bahay my lola, my tita, my mom...not really, my uncle so never ko talagang na-feel 'yung void. 'Di ko talaga s'ya hinanap."
Inamin din ni Kazel na hindi siya lumaki na kasama ang kanyang ina dahil nagtrabaho ito abroad. "Umuuwi lang s'ya every three months, every six months, so lola's girl talaga ako. I was more close to my lola."
Napatawad na rin ni Kazel ang kanyang mga magulang pero inamin niyang may panahong kinuwestiyon niya kung bakit wala siyang nakagisnang ama at ina habang lumalaki.
Paliwanag niya, "It could've been different if I was raised in a complete family, 'yung my mom, my dad kasi iniisip ko growing up, meron akong daddy issues gano'n."
Ayon kay Kazel, humanap siya ng kalinga sa iba, "You find comfort in men parang gano'n kasi nga wala akong dad, so mabilis akong ma-fall, mabilis akong ma-in-love."
Nilinaw din ng aktres na hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang mga magulang.
Ika niya, "I'm not the type to put any grudges naman, I'm sure 'di rin nila pinili 'yun."
Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.
Samantala, mapapanood si Kazel sa My Father's Wife weekdays, simula June 23, pagkatapos ng It's Showtime sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Who is Kazel Kinouchi?