GMA Logo Sexbomb Girls teaser
What's Hot

Sexbomb Girls reunion? Mga miyembro, nag-post ng teaser

By Marah Ruiz
Published June 24, 2025 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Sexbomb Girls teaser


Nag-post ng pare-parehong teaser ng mga miyembro ng Sexbomb Girls. Hudyat na ba ito ng isang reunion?

Kanya-kanyang ispekulasyon ang mga netizens matapos mag-post ng pare-parehong teaser ang ilang mga miyembro ng all-female group na Sexbomb Girls.

Makikita sa teaser ang imahe ng isang pares ng mga binti na nakasuot ng thigh-high boots.

Nakasulat din dito ang katagang "Ready na ba kayo?"

Bukod dito, maririnig din ang opening adlib ni Joey de Leon sa hit Sexbomb Girls single na "The Spageti Song" pati na ang iconic catchphrase ng grupo na "Get, get, aw!"

Kabilang sa mga miyembrong nag-post ng teaser na ito ay sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Aira Bermudez, Mia Pangyarihan, Sugar Mercado, Sunshine Garcia, Mhyca Bautista, Cynthia 'CY' Yapchingco-Lim, at Aifha R. Medina.

Karamihan ng hula sa comments sections ng kanilang mga post ay tungkol sa isang reunion concert.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


Busy man sa kanikanilang careers at personal na buhay, nananatiling close ang mga miyembro ng Sexbomb Girls.

Madalas pa rin silang magkitakita kasama ang kanilang mga pamilya tuwing may espesyal na okasyon.

SILIPIN ANG KANILANG MATIBAY NA FRIENDSHIP SA GALLERY NA ITO:



Aktibo pa rin sa showbiz ang ilang sa kanila tulad nina Rochelle, Jopay, Mia, at Sugar.

Nag-concentrate naman sa kanilang mga pamilya o negosyo ang iba.

Gayunpaman, nagsasama-sama pa rin sila sa mga guestings sa telebisyon tulad ng pagsali sa game shows.

Minsan na rin silang nag-reunite para sa advertisement ng isang sikat na streaming platform.