Showbiz News

‘Philippines is a treasure for outstanding talent’ - Regine Velasquez-Alcasid

By AEDRIANNE ACAR & MERYL LIGUNAS 

PHOTO BY KRISTINE MANUEL, GMANetwork.com
 
Maituturing na fairy godmother ng mga Philippine talent competitions ang Sunday All Stars diva na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.
 
Kung matatandaan siya rin ang naging host ng mga singing competitions sa GMA-7 na Search For A Star kung saan na-discover ang Miss Saigon star na si Rachelle Ann Go.
 
Bukod pa riyan, ang mga Kapuso singers na sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia ay produkto rin ng Pinoy Pop Superstar na show rin ng Asia's Songbird. Idagdag mo pa riyan ang former ‘Emir’ actress na si Frencheska Farr na alumna ng singing competition na Are You The Next Big Star?
 
This time sa Bet ng Bayan, kung saan kasama niya ang Kapuso hunk na si Alden Richards, mas pinalawak ang paghahanap sa mga outstanding talents dahil sinuyod ng show ang bawat sulok ng Pilipinas to find the next big stars of this country.
 
Sa exclusive interview ni Ms. Regine sa GMANetwork.com, ikinuwento nito kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng Bet ng Bayan crew para mahanap ang best-of-the-best pagdating sa kantahan, sayawan at kakaibang talento.
 
“Kaya ang galing kasi since nga nagpupunta tayo sa kanila, accessible for them so mas bago 'yung nakukuha nating mga talent. Nagpo-provincial tour kasi ako since last year, ang dami ko nang nakita.”
 
Dagdag pa ng all-around performer na nakakatuwa raw malaman na we have an ‘oversupply’ of outstanding talents dito sa bansa.
 
“Meron din kaming parang sing a la songbird whatever and ang gagaling nung mga nandun… Eh ganun naman tayo 'di ba? Ang dami nating magagaling dito sa Pilipinas.”