Showbiz News

Megan Young at Paolo Ballesteros, may payo kay Valerie Weigmann

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Nakatakda nang lumipad patungong London si Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann para katawanin ang Pilipinas sa prestihiyosong pageant.
 
Sobrang excited na raw si Val at alam na niya ang gusto niyang unang gawin pagdating sa London.
 
Kuwento niya kay Lhar Santiago sa 24 Oras, “Getting to know all the contestants, one-by-one. Kasi ako excited ako to hear their stories, kung taga-saan sila, how they grew up. Same thing, like to really get to know them.”
 
Bago pa siya umalis ng bansa ay pinabaunan siya ng payo ng reigning Miss World na si Megan Young.
 
“’Yung advice niya sa akin, ‘Be who you are, be yourself. That’s really the key. And enjoy it, be excited about everything that’s going to be happening in London,” ani Valerie.
 
 
Nakabisita na rin siya muli sa kanyang Eat Bulaga family.
 
“Ang saya, my homecoming. Nag-enjoy talaga ako kasi nakita ko lahat ng mga host, sina Wally, sina Jose, sina Paolo of course. So, happing-happy ako,” saad niya.
 
Ano naman kaya ang payo ng kanyang 'asawa' na si Paolo Ballesteros?
 
“Make-up, as usual. Sinasabi niya rin basta ‘yung make-up fresh lang, soft lang kasi ‘yan ang peg ng Miss World,” sabi ni Valerie.