Showbiz News

Lead stars of 'More Than Words' react to their pilot trending worldwide

By CHERRY SUN
 
Pilot episode pa lang ng kiligserye na More Than Words ay nag-trend na ito sa Twitter worldwide.
 
Pansamantalang tumigil sa taping ang cast at production staff ng bagong kiligserye upang panoorin ang unang episode ng kanilang palabas. 
 
Habang commercial break naman ay busy sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa pagsagot sa mga tweets ng kanilang fans.
 
“Sobrang saya namin na lumabas na ‘yung pilot episode at marami kaming nakitang magagandang tweets,” ani Janine na gumaganap bilang Ikay at Katy Perez. 
 
Very proud din ang kanilang direktor na si Andoy Ranay. Hangang hanga raw siya sa pinakita ng aktres.
 
“Na-achieve ni Janine. Nagulat ako dun sa performance na binigay niya dito sa role niya bilang Ikay at Katy Perez. Dalawa kasi eh,” pahayag niya.
 
Hindi rin dapat palagpasin ang unang pagkukrus ng landas ng karakter ni Janine at ni Elmo na gumaganap bilang si Hiro
 
“Abangan, this week, this week,” sabi ng aktor.
 
Kaabang-abang din ang pagbabalik tambalan ng '80’s heartthrobs na sina Rey PJ Abellana at Leni Santos. 
 
At siyempre, hindi magpapahuli si Jaclyn Jose na gumaganap bilang si Precy, ang ina ni Ikay.  
 
“Basta masaya, mag-e-enjoy sila,” sabi ng batikang aktres.