Showbiz News

Julie Anne, may paandar sa ‘Hologram’ concert

By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Tiyak na paandar ang ‘Hologram’ concert ni Julie Anne San Jose na gaganapin sa December 13 sa SM Mall of Asia Arena.
 
Bukod daw sa fierce performance ay groundbreaking din ito dahil first time sa concert scene na gagamitin ang hologram effect technology.
 
Ani Japs, “Isa sa mga pasabog po, siyempre opening number palang I’ll be dancing with an army of Julie Anne's sa hologram. So naka-hologram sila na ako. I’m excited po kasi dito po talaga natin makikita ‘yung advancement ng technology.
 
“Kumbaga parang nandito na lahat sa concert na ‘to and makikita nila ‘yung other side of Julie Anne,” dugtong niya.
 
Ano-ano pa kaya ang dapat abangan sa concert ng Asia’s Pop Sweetheart?
 
“I’m gonna be singing my own songs, my own compositions, tsaka ‘yung mga nag-hit talaga. Magkakaroon din ako ng isang fierce medley number,” kuwento niya sa 24 Oras.
 
“Fierce, basta po. And makikita nila ‘yung hindi ko pa nagagawa,” paliwanag niya.
 
Kabilang sa kanyang guests sina Kyla, Frencheska Farr, Sam Concepcion, Christian Bautista at Abra na kanyang naka-collaborate kamakailan.
 
Simula ngayong Linggo ay tuloy-tuloy na raw ang rehearsals at iba’t-ibang workshops ni Julie Anne para paghandaan ang kanyang ‘Hologram’ concert.