Showbiz News

Saan bibili ng regalo si Lovi para kay Rocco?

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Bibiyaheng Japan si Lovi Poe para magbakasyon matapos ang shooting para sa Metro Manila Film Fest entry na ‘Shake, Rattle and Roll XV.’
 
Ayon sa panayam ng aktres sa 24 Oras, “Gusto kong pumunta sa isang lugar na hindi pa talaga ako nakakapag-ikot, kainin ‘yung mga masasarap nilang pagkain, magbasa ng mga bagong libro, magsulat.”
 
Makakasama niya ang kanyang ina, samantalang maiiwan naman ang kanyang kasintahang si Rocco Nacino.
 
Sa Japan na rin daw siya bibili ng hindi isa kundi tatlong Christmas gifts para sa kanyang boyfriend.
 
Paglarawan ng aktres, “Personal, kasi kilala ko siya, alam ko ‘yung mga gusto niya.”
 
Katatapos lamang ng kanyang taping para sa Metro Manila Film Fest entry na ‘Shake, Rattle and Roll XV.’
 
Ang kanyang episode sa naturang pelikula ay pinamagatang ‘Flight 666’, at kinunan pa mismo ito sa loob ng isang commercial plane.
 
Takot man siyang sumakay sa eroplano ay nag-enjoy naman daw si Lovi.
 
“’Yung sa amin naman may halong comedy din 'tsaka nakakataranta siya ‘coz nasa loob ka ng eroplano. And kahit sinong tao na takot sumakay sa eroplano, makaka-relate,” kuwento niya.