Kilalanin si Ericka Camata, ang viral sensation na si Ms. Everything, sa gallery na ito!
Unang nag-viral ang mga "Low Buget TikTok" videos ni Ericka Camata sa Facebook kung saan sariling sikap niyang kinakanta ang mga viral songs sa app na TikTok.
Isa pa sa patok na video ni Ericka ay ang "Hi Everything, how are you to find out?" Dahil sa video na ito kaya siya nabansagang "Ms. Everything."
This young beauty standing before you today hails from Calbayog City, Eastern Visayas!
Maliban sa kaniyang videos, viral din ang photo shoot ni Ms. Everything na mala-'America's Next Top Model' ang dating.
Pampaalis ng BV o bad vibes ang mga viral posts ni Ericka kaya naman marami ang nahuhumaling sa kaniya online.
Dahil sa kaniyang new-found fame, unti-unti na siyang natatampok sa iba't ibang news sites at pages.
May sarili ring vlog si Ericka sa YouTube na "Ms. Everything Vlogs" kung saan mapapanood ang iba't ibang challenges at Q&A videos.