Showbiz News

Here comes the grand carnival, 'Bet ng Bayan' style!

By AEDRIANNE ACAR

 
Aabangan niyo mga Kapuso ang mas tumitindi pang sagupaan at pasiklaban sa Bet ng Bayan.
 
Ngayong Martes, mapapanood ninyo ang mga konteserong kakaiba ang galing. Una riyan ang acrobat group mula sa South Cotabato na ‘Amazing Gays’. Alamin kung ano ang hirap na pinagdaanan nila sa Bet ng Bayan provincial showdown.
 
Walang tatalo kay Jomar Abjelina pagdating sa fire dancing. Mamamangha kayo kung paano nakatulong ang vocational course niya sa pagwe-welding para makagawa ng isang makapigil-hiningang performance.
 
Maglalaban-laban din ang mga bigating contestants sa kantahan mula sa Davao City at Tagum City.
 
Kaya umuwi na ng maaga at panoorin ang Bet ng Bayan daily strands hosted by Alden Richards sa GMA Telebabad pagkatapos ng Hiram na Alaala.