Showbiz News

Maaga ang Pasko sa 'Christmas Cartoon Festival Presents'

By MARAH RUIZ 



Mga Kapuso, may bago kayong makakasama tuwing umaga ngayong Christmas vacation.
 
Inihahandog ng GMA-7 ang Christmas Cartoon Festival Presents, mga animated specials na siguradong magdadala ng simoy ng Pasko sa inyong mga tahanan simula December 1.

Alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko sa mga kuwento ng pagbabayanihan, pagmamahalan at pagbibigayan. 
 
Tunghayan ang kakaibang Christmas party ng mga monsters sa Molly and the Christmas Monster sa December 1. 
 
Huwag palampasin ang cute na koala na si Bill sa kanyang misyon na mag-uwi ng snow sa Blinky Bill's White Christmas sa December 2 at 3.
 
Samahan natin ang pamilya ni Benjamin sa pagpapalaganap ng mga kuwento ni Hesus sa The Christmas Story Keepers sa December 4. 
 
Dapat ding abangan si Mole at ang kanyang kaibigang si Rat sa Mole's Christmas sa December 5. 
 
Christmas Cartoon Festival Presents, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Ghostfighter