Showbiz News

Wedding preps nina Marian-Dingdong at Heart-Chiz, parehong smooth sailing

By CHERRY SUN

PHOTO COURTESY OF @therealmarian and @heartworld
 
Pagkatapos magpakilig sa kani-kanilang wedding proposals ay marami ngayong nag-aabang sa kasalang Marian Rivera at Dingdong Dantes, at pati na rin sa pag-iisang-dibdib nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
 
Kamakailan lang ay nag-shoot din ang dalawang engaged couples para sa kanilang pre-nup videos.
 
Kasunod ng concert nina Marian at Dingdong sa Dubai ay ginawa na rin nila doon ang ilang bahagi ng kanilang pre-wedding video. Pagbalik ng bansa ay nagkaroon din sila ng isa pang shoot sa Pampanga.
 
Kamusta kaya ang kanilang paghahanda para sa kasal nila sa December 30?
 
“Okay naman, okay naman. Lahat naman ng preparations so far, wala pa namang hindi sumusunod sa tawag ng tadhana,” ani Dingdong.
 
Katatapos lang din ng pre-nuptial shoot ng power couple na sina Heart at Chiz.
 
Noong September pa lamang ay may ilan nang kuha para sa kanilang pre-wedding video. Pumunta rin sila sa hometown ng senador sa Sorsogon at pati mismo sa kanilang wedding venue sa Balesin Island para kunan ang natitirang eksena ng kanilang pre-nup.
 
Sa susunod na taon pa man ang kanilang kasal ay halos tapos na raw ang preparasyon nina Heart at Chiz.
 
Kuwento ng aktres at TV host, “Very smooth na siya ngayon. Halos kumbaga kumpleto na rin namin halos lahat. Nagbabawas lang kami ng konting guest list kasi siyempre ayaw din namin ng sobrang gulo sa pinaka-event.”